Gusto mo ba ko?

78

Gusto mo ba ko? – tanong na ako’y naging bato simula ng aking marinig. Tanong na hindi mo inaasahang maririnig sa taong laging andyan para sa’yo, na laging gumagabay sa’yo at nakikinig sa’yo palagi.

Hindi ko alam kung dahil ba ito sa impluwensiya ng alak at nasabi mo ang mga katagang iyan. Hindi ako nakasagot sa sobrang kaba. Ayokong isipin, kahit na oo naisip ko rin ito noon pa. Ilang beses na rin tayong tinukso ng mga kaibigan natin. Ilang beses ko na ring inisip na paano kaya kung subukan natin.

Hindi ko alam kung dapat ba akong sumugal dahil takot ako. Takot na masaktan pa. Takot na mawala ka.