Sa bawat araw na ‘di ka nakakasama, kalungkuta’y laging nadarama, kailan kaya kita muling makikita? Tanong na ‘di mo pa nasasagot aking sinta.

Akala ko ba hanggang sa huli, ikaw ay nasa aking tabi, ‘yan ang lagi mong sinasabi, kahit ano man ang mangyari.

Pero bakit ka biglang naglaho? Napag alaman ko nalang ika’y may bago, hindi ko lubos matanto ang sakit na maramdaman ko.

Alam mong ‘di lang kita gusto, dahil pagmamahal, yan ang totoo. Sana naman pinahalagahan mo, sapagkat sa’yo ko lang pinaramdam ito.

Paalam sa ngayon, mahal ko. Asahan mong ‘di ako magbabago, maghihintay pa rin sa’yo hanggang dulo. Sana masaya ka sa desisyon mo.

May tamang panahon para sa tamang tao, you just really need to wait for the perfect time, in God’s time😊 Dahil kung kayo talaga sa huli, kayo talaga.❤