Payo ng magulang ko na FTW

Alam niyo, ang dami sa’kin tinuro ng magulang ko mula pag ka bata hanggang ngayon.

Syempre papunta palang ako, pauwi na sila.

Pero ito talaga yung nag marka sa akin.

 

May sinabi iyong magulang ko sa akin noon

Sabi nila wala naman sa tagal iyong pag ma-mahal.

“Hindi naman dahil sa na kilala mo lang siya kahapon ‘di mo na siya pwedeng mahalin bukas.”

 

Napa isip ako noon tapos na-realize ko na iyong pag mamahal nga ay ‘di naman palaging romantic, syempre bata pa ako noon akala ko puro jowa jowa lang.

Ayun, life started to make more sense, hindi porke’t mahal mo pakakasalan mo na. May mga taong mahal mo na pinag dadasal mo, na inaasikaso mo, ni-rerespeto mo o pinag sisilbihan mo at marami pang iba.

Paminsan hindi mo man nga pansin e, bigla mo nalang mararamdaman. Ay, oonga no. Ganon.

Na realize ko din iyong difference ng time at intention. Dahil ang taong may mabuting intentions sayo simula’t sapul, kahit isang segundo mo palang kilala yan panigurado ‘di ka mapapahamak.

 

Pero ang hirap ma-achieve ng lahat e di’ba? Kaya siguro tayo naguguluhan e ang daming kundisyon kesyo ganito, kesyo ganon.
Di’ba sabi nila ‘Unconditional love’? E bakit ang daming kundisyon?

 

Hindi naman sa alam na alam ko na, sa totoo lang marami pa akong ‘di alam pero iyang na experience ko na at gusto kong ibahagi.

Pagmamahal ng walang kapalit, pag mamahal na punong puno ng malaasakit at pag unawa.

Pagmamahal na simple lang…

Kumain ka na ba? Mag-iingat ka palagi ha? Kamusta araw mo? Saan ka, sunduin kita? Tara simba tayo.

 

Mga hindi halatang “I love you” at “Mahal kita” sa pang araw araw, masarap pakinggan, hindi dapat binabaliwala.

Tandaan natin na iyong pag mamahal ay dapat pinupursue natin kung anong mas makaka buti o iyong the best para sa tao na iyon, kahit hindi na tayo kasali dun. Kasali na rin ang iyong pag paparaya sa pag mamahal.

Mahirap gawin , mahirap tanggapin. Siguro o panigurado alam niyo naman iyon, pina pa alala ko lang na pag mahal mo, kaya mo.

 

May dadarating nalang dyan, mapa kaibigan, kamag anak, o kasintahan, mamahalin mo ng lubos lubos, na walang katulad. Basta wag mo din palang kalimutan na ipinadadama mo araw, araw araw, araw, hapon, hapon, hapon, gabi, gabi, gabi.

Maraming kailangan matutunan ang mga taong nag mamahal.

Pero kaya yan!

 

By OverdoseOnMe

Hi mga pips. Madrama, mahilig mag sulat. Mapagmahal pero di minamahal HAHAHAHA charot.

Exit mobile version