1.Sakit-eto yung una, kung walang sakit, walang dahilan para magmove on
2.Luha- walang sukatan kung gaano karami ang kailangan, kusa na lang yan tutulo at yung mga mata mo pagkatapos ng sapat na panahon kusa na lang yan matutuyo.
3. Galit-sisimulan mo ng tanungin ang sarili mo, bakit ako? anong mali? anong kulang? at dahil jan magagalit ka dahil di mo massagot ang mga tanong na yan
4. Bitterness- stalk pa more, block pa more, post pa more! Mas mapait ka pa sa apdo! wag ka mahiya, karapatan mo yan. Wag mo lang tambayan, daanan mo lang ang feeling na yan.
5. Panghihinayang-bigla mong marrealize ang mga mali at pagkukulang niyo, na kahit anong pakikiusap mo sa kanya, wala na, tapos na, di na maibalik sa dati.
6. Tapon at Bura- itatapon mo na lahat ng bagay na may kaugnayan sa inyo,magbbura ka ng mga memories sa Fb, sa cellphone, mga regalo nya sayo, unfollow ang mga taong konektado sa inyo para di mo na sya makita, ilalayo mo na ang sarili mo sa sakit na dulot niya.
7. Acceptance-dahil huli na ng narealize nyo ang mga pagkakamali ng isa’t isa, unti unti mong tatanggapin ang katotohanan na hanggang dun nlang talaga.
8. Babangon- pagkatapos ng 1-7, maiisip mo na ang sarili mo at ang nattunan mo sa mga nangyare sayo. Bbigyan mo na ng time ang sarili mo para maging better version of you. Bigla mo nlang sasabihin sa sarili mo… Luh, ok na ko, sabay ngiti.
Di ka pa talaga nakakamove on pag di mo naranasan ang lahat ng yan, kahit isa lang jan ang mawala, ibig sabihin hindi ka pa handa. Wag ka mahiya aminin na nagmmove on ka, ginagawa mo yan dahil di ka natakot na magmahal at umasa na minsan ang dalawang tao ay pwede maging isa. Kapit lang, kaya yan.