Lahat ng sakit alam kong may hangganan..
Lahat ng sakit alam kong lilipas din naman…
Lahat ng sakit alam kong meron akong matututunan…
At lahat ng sakit alam kong tatag ko’y sinusubukan.
Babangon ako… Nasaktan man ng sobra..
Lilingunin ang nakaraan, na puno ng pagdurusa..
Ibubulong sa hangin, papalayain kita..
At Sasambitin sa kanya.. Salamat pa rin nakilala kita.