“Sana, Wag Puro Sana”
Categories Confessions

“Sana, Wag Puro Sana”

”Sana, Wag Puro Sana”

Anim na taon na ang nakalipas. Nang unang nagtagpo ang ating landas. Di lubos maisip mga taon na nagdaan puso’t isipan ikaw parin ang laman. Tayo ay pinagtagpo muli at magbabakasakali panahong sinayang ay mapawi.

Anim na taon hindi parin nagbabago kung paano mo napapasaya ang puso ko. Kahit minsan ilang buwan kang hindi nagpaparamdam. Hindi ko alam kung bakit at paano puso ko ay nanatiling minahal kang pasekreto.

Anim na taon hindi parin tayo binigyan ng pagkakataon. Pagkat bawat isa ay my karelasyon. Pero hindi natin lubos maisip mas masaya pa tayong magkasama’t magkausap kaysa sa ating nasa bisig. Yong asaran at tuksuhan, text at chat magdamagan, ngiti sa labi na kunwari hindi nasasaktan.

Anim na taon mo akong pinasaya’t pinaluha sa sitwasyong walang tayo pero ramdam ko na mahal mo ako. Sinasabi mong ayaw mo akong masaktan pero bakit patuloy parin nating hinahayaan.

Anim na taon wala tayong lakas ng loob na panindigan ang ating nararamdaman. Kasi ayaw nating my masaktan kahit mas masakit pa ang ating nararamdaman. Ngayon muli tayong pinagtagpo ng tadhana at pareho na tayong malaya. Ito na ba ang ating simula?

Anim na taon kitang pinangarap na magiging akin. At pinangako sa sarili ikaw lang ang mamahalin. Pinakita at pinaramdam mo sa akin ang kilig,saya at tuwa ng taong nagmamahal ng kusa.

Anim na taon maraming nabuong mga tanong. Tila hindi pa nga tayo makahakbang marami na ang nakaabang. Mahal natin ang isat isa pero bakit hindi parin tayo handa. Tayo ba’y naduduwag o natatakot na baka sa huli ang desisyon natin ay hindi tama.

Anim na taon nating hinintay na mahawakan ang mga kamay. Sanay wag na nating sayangin ang pagkakataong pinakaloob sa atin. Pareho tayong takot pero sabay nating haharapin.

Anim na taon sapat na siguro para tayo’y maging sigurado. Ako na ang pinakamasaya kapag nag “man up kana”. Panindigan na natin ang awitin na “kung hindi rin lang ikaw,ay wag nalang”. Sasagutin na natin ang laging sinasabi na “sana kung pwede na, pwede pa”. Kasi pwedeng pwede na. Ang tawag ko sayo na “Mr. Paasa” sana maging “Mr.Right” na.

You’re always be my “sunshine” my NAS!