Sinta

 

Ako ngayo’y nag iisa di makatawa,
Hinahanap ang kislap ng iyong mata,
At sa tuwing ako ay nababalisa,
Tanging larawan mo ang nagpapasaya

Ang nakaraan na di nalilimutan,
Ang biglaan mong paglisan,
Nakakulong pa rin ako sa alaala,
Na minsan tayo’y naging masaya

Dahil sayo ang utak ko nalilito,
Dahil sayo para akong siraulo,
Aanhin ko pa ang ganda nitong mundo,
Kung ikaw ay tuluyang lalayo.

Exit mobile version