May mga bagay na akala natin para saatin, pero akala lang pala natin. Isa ako sa mga nakaranas ng tinatawag nilang “Pinagtagpo pero hindi tinadhana”. Yung feeling na parang daig mo pa yung nanalo sa lotto makatabi o makausap lang, yung tipong ngitian ka lang niya kumpleto na araw mo. Pero may hangganan pala lahat ng iyon. Inamin mo sakanya na gusto mo siya dahil akala mo pareho kaya ng nararamdaman. Pero hindi. May iba siyang gusto.
Ito ang kwento ko. Isa siya sa mga bagong students sa school namen. Nung una mahiyain siya, hindi siya kumikibo. after nang klase namen inadd niya ako sa Facebook tinanong niya saken kung mawawala ba daw yung pinatong niyang ballpen sa upuan, sympre sumagot ako para mag mukhang hindi masungit. Patagal ng patagal naging magbestfriends kami, may mga away na nabubuo pero nagkakabati rin. Hindi ko namamalayan na nahuhulog na yung loob ko sakanya pero hanggat maaari hindi ko pwedeng sabihin sakanya dahil natatakot ako dahil may iba siyang at hindi kami pwede, kaya ako naman tong si tanga tinago ko ang nararamdaman ako at sinuportahan ko siya sa lahat ng bagay. hanggang sa hindi ko na nakaya. Inamin ko sakanaya na gusto ko siya kahit alam kong talo.
Kung may natutunan man ako sa sitwasyong iyon siguro, tama yung naging desisyon ka na inamin ko sakanya yung nararamdaman ko. Oo, May nasirang pagkakaibigan pero mas natatakot ako na may pagsisihan sa huli. It’s better to take the risk than to lose a chance.