Kung alam mo lang kung gaano ko gustong sambitin, ang mga katagang nais mong marinig. Kung alam mo lang kung ilang beses kong gustong sabihin na mahal kita ngunit ako'y natatakot sa mga posibleng mangyari na baka ganito, na baka ganyan.
Hindi naman sa hinding-hindi, ang aking sagot sa iyong katanungan. Hindi naman sa hindi kita mahal, dahil alam kong alam mong meron na akong nararamdaman para sayo. Hindi naman sa ayoko muna, dahil excited nga ako para sa ating dalawa.
Natatakot lang kasi talaga ako sa mga posibleng mangyari. Oo. Ang babaw ng rason ko. Alam kong hindi reasonable mga ito.
Hindi ko mawari kung bakit ano 'tong takot na nalalatay kung saan nanggaling, pero wala kang kasalanan. Ako ang may problema. Hindi ko lang alam Kung saang banda.