“TALA”
Categories Relationships

“TALA”

Muling hahakbang, sinusubukang maging matapang;
Puno ng takot, ngunit mga kamay mo’y patuloy na inaabot;
Bawat baitang, nagsisilbing puwang; nag-aabang, na sa bawat hakbang ko, ay makakarating din sa paroroonan ko;
Tinuruan mo akong maging matapang, kahit punong puno ng takot ang puso ko;
Sa bawat pagpatak ng luha, pinupunasan, pinapatahan; kakaibang saya ang nadarama, sa lahat ng lugar, pinipiling makasama ka;
Magkapareha sa lahat ng bagay, puso’y napalagay; Sumubok muli, nagtiwalang muli, nagmahal muli, sana’y ikaw na ang huli;
Bawat kislap ng mata, malinaw na ang nakikita; Pinipiling mahalin ka, hindi man kita palaging nakakasama;
Saksi ang kalawakan, Sa ating pagmamahalan; saksi ang mga tala, At hindi na dapat mabahala, Dahil andito na ang aking pag-asa;
Salamat, Mahal, sa lahat ng ito; Ikaw, ay ang aking pag-asa, hindi na muling aasa sa iba, dahil nandito kana; Ikaw yung dumating, na ayaw ko ng mawala;
Sa’yo ko natagpuan ang tunay na mahiwaga; hindi na kailangang mangako ng kung ano pa man, sa bawat bagyo o lubak man iyan, Ikaw ay aking sasamahan;
Hindi na mahalaga, kung paano sinimulan, Basta’t tandaan mo, ako ay iyong sandalan; Mahal kita, higit pa sa iniisip mo, Mahal kita higit pa sa iyong kaalaman; pinagdarasal, Sana ay ikaw at ako pa rin balang araw.
Aa