TAMA NA KUNG AYAW MO NA
Categories Poetry

TAMA NA KUNG AYAW MO NA

"Ayoko na. Hindi na ako masaya." 

Mariing sambit mo 
kasabay nang pagluha ko
noo'y binalot tayo ng lamig
at hindi man labis na batid 
tanging lumabas sa aking bibig
mga katagang tanging naipahatid
sa pagitan ng mga malungkot kong tinig
"Kung d'yan ka masaya... pinapalaya na kita."

Pinalaya kitang tuluyan
umalis ka't mag-isa akong naiwan
pinilit patahanin at pagalingin ang sarili
sa sakit nang hindi mo pag pili na manatili
ngunit pintua'y iyong muling ibinukas
ako 'tong magaling na ngunit ika'y mahal pa
hindi nagawang umiwas o mag pumiglas
sinalubong ka sa pag-asang pag ibig sana'y maisalba


At sa ikalawa, (at sa maraming) pagkakataon
ako'y muling nag patanggay sa alon
nadaya na naman ng hangin
inakala kong iihip patungo sa akin
ngunit ang pagbalik mo'y isa lang paalala
na noong umalis ka, ikaw lang ang may karapatang maging masaya at malaya
habang ako'y mag isa at sayo'y nakatali pa

Tama na kung ayaw mo na
Tama na kung hindi kana masaya
Tama na hindi yung bumabalik ka pa