Current Article:

To the person I loved, pero naging cold na pala ako

To the person I loved, pero naging cold na pala ako
Categories Relationships

To the person I loved, pero naging cold na pala ako

Really, I had no idea what could’ve happened. It all just came so fast. Parang, masyado atang minadali or sadyang may mali sa’tin. Hindi ko alam kung ano na nga ba nangyayari.

 

Ito ay para sa taong minahal ko kaso, naging cold na pala ako. Hindi ko naman alam, na lumalamig na pala. Hindi ko alam na, nakukulangan ka na pala. Wala akong ka ide-ideya na, ‘di na ako nakakaramdam. Sorry, dahil, ‘di mo naramdam na maging special.

 

Dapat pala, ‘di nalang kita inibig, para wala na sa’tin ang nasaktan. Minadali kasi natin, yung, dapat na pinagdasalan muna. Nagmula sa magandang pagkaibigan, naging minsan na usapan.

 

Noon talag, ‘di ko alam na may mali. Tinatanong naman kita, pero sinasabi mo “wala.”, naniwala naman ako, sa ‘yong mga salita. Dapat pala nakinig ako sa kutob ko na, may mali na pala. Ginawa ko ang lahat para pasiyahin ka, ngunit mukhang ‘di ko pa nagawa ang lahat ng aking makakaya. Pinayuhan kasi ako na, “Uy, mag-ingat ka. Wag mo ibuhos ang ‘yong effort para sa huli ‘di ka masasaktan.”, nakinig naman ako, pero iba naman ang nasaktan. Imbes na tulungan mas mag-grow kay Lord, ayun, sinasaktan din pala. Hindi ko sinadya, hindi, hindi talaga. Ngayo’y tayo’y takot na dahil, tinutulungan nating mag guard ang isa’t-isa.

 

Nung retreat, sadyang ‘di kita kinausap, dahil sabi ko sa sarili ko na: “Baka mahirap ka mag-guard ng heart.” sabi naman ng iba: “Taas naman ng tingin mo sa sarili mo, umayos ka.”, bantay rin naman ang leader mo kaya’t, wala rin naman akong magagawa.

 

Yung dapat na magkaibiga’y, nagkailangan na. Sorry, na umabot pa sa punto na ‘to. Sorry, na nagkagusto ako sa’yo. Sorry, na ‘di na pala ako nakakaramdam. Sorry na talaga.

 

Pero, since then nakita ko yung growth mo kay Lord. Simula palang ‘yan. I know you’re going through a lot kaya, trust His process, may meaning yan. Never lose Faith in Him, for He has plans. Laging tatandaan na, andiyan siya lagi pag may problema ka, wag kang mahiyang lapitan.

 

Sa kung ano man nagkulang sakin, t-try kong baguhin. Lahat naman ng pinagsama natin, i-ccherish ko parin. Always praying for your heart and your thoughts. Wag ka nang malungkot 🙂

 

If you’re reading this, hey, He loves you very much, GYH, and remember Matthew 28:19-20, kamon, expand His kingdom. Ingat ka 🙂