UNCLOSED

You were left behind without any explanation, though you deserve to know the reasons why.
Ang hirap no? Hindi mo alam kung magmo-move on ka na ba o maghihintay ka pa sa walang kasiguraduhan.

Magpaparamdam pa ba sya? I-chachat ko na ba? Tatawagan? Pupuntahan? May iba na ba sya? Naiisip nya ba ko? Bumubwelo lang ba sya para kausapin ako? Naging mahalaga ba ko?

Iilan lang yan sa mga gumugulo sa isip mo.
Kung mahalaga ka sa isang tao, hindi ka nya hahayaan maitanong un nga bagay na yan sa sarili mo. Hindi nya hahayaan na wala kang peace of mind kahit minsan may reason sila, masyado ka parin mahalaga para saktan lang ng iba.

Hindi lahat ng tanong, nasasagot.
Swerte mo kung isa ka sa mga taong nabigyan pa ng sapat na pagpapaliwanag bago iwan.
Isipin mong maigi, minsan ang pagkawala ng closure ay closure na mismo.

Dadaan ang iba satin sa pagiging marupok,
kung sakali man naumpisahan mo na ang hakbang para maayos ulit yan puso at utak mo, sana this time, isaisip mo na yun kahalagahan mo bilang tao.

Magdasal ka at magtiwala. Umiyak ka sakanya, i-share mo lahat, isapuso mo at ipaparamdam ng Diyos kung gano ka kahalaga.

Don’t settle for less. Someday, may darating na tao sayo na ipaparamdam na hindi mo na na kailangan pa ang mga bagay na yan para kwestyunin. Sya yung kaloob ng Diyos.

Regina Grace
QC

Exit mobile version