Wala lang, pero nasasaktan ka na

The hardest part in no label relationships is yung hindi mo alam ang isasagot na dahilan sa tuwing tinatanong mo ang sarili mo kung bakit mo siya minahal. Yung akala mong wala lang, ayun pala it already created a major heartache in your life. You enjoyed every moment na kausap at kasama siya, pero you never thought how it would create an impact in your emotions. Tuwing tinatanong ka ng iba kung ano ang meron sa inyong dalawa, ang sagot mo lagi ay wala lang pero deep inside, nasasaktan ka na.

Mahirap umasa sa malabong ugnayan. It has no beginning and it has unpredictable endings. Yung hindi mo alam hanggang kailan ka magiging masaya. Hanggang kailan ka aasa? Hanggang saan ang kaya mong tiisin para lang palagi mo siyang nakakausap. Yung willing ka na itaya ang sarili mong feelings para hindi siya mawala sa’yo. It feels right but it has damaged you for good.  You’ll never know it hangga’t hindi mo naranasan ang pain. Yung frustrations. Yung pagsisisi na sana hindi mo na lang hinayaan ang sarili mo na mahulog sa kaniya. Kaso wala eh. You gave in. Now you’re the one crying.

Kaya sa bawat wala lang, may malalim na pinaghuhugutan. May malalalim na dahilan that only your heart could understand. Kahit lahat ng tao sa paligid mo ay parang alam na ang end result niyan, andiyan ka pa rin at patuloy na nagmamahal. Siguro nga may mga bagay na ikaw lang ang nakakaalam. Pero sana huwag mong kalimutan ang halaga mo just because hindi pa bumabalik sa’yo yung love na binibigay mo. Sana hindi laging puso ang pinapagana. Sana ibalik mo yung strong na ikaw with a brave heart. Because that’s who you are.

Exit mobile version