When to Raise that White Flag?
Categories Relationships

When to Raise that White Flag?

Katatagan bang matatawag ang pagkapit nang matagal? Katatagan bang matatawag ang matagal na pglaban? Ang totoong katatagan ay nasa pagsuko minsan. Ang totoong katatagan ay nasa pag-atras minsan, kapag alam mong mali na ang iyong ipinaglalaban.

Pano ba natin masasabing hindi na dapat ipagpilitan?

1. When you are are starting to lose yourself in the process of fighting for someone. ‘Yong tipong wala nang natitira sa’yo kundi tapang na lang, wala na ang katwiran.

2. Kapag ikaw na lang ang lumalaban, samantalang sya wala ng pakialam. Kapag ikaw na lang ang gumagalaw, samantalang sya naghihintay na lang na ikaw ay bumitaw.

3. Kapag alam mong ginawa mo na ang lahat para maging maayos ang takbo pero nakikita mong ginagawa rin nya ang lahat para tumakbo palayo sa’yo.

4. Kapag naramdaman mo na sya mismo, ayaw na nyang lumaban ka pa, ayaw na nyang ipaglaban mo sya.

Warriors are meant to get hurt and to get wounded. Hindi sukatan ng pagiging magaling na warrior ang laging pagsugod, minsan ang pagiging isang magaling na warrior ay nasusugat sa dami ng laban na hindi nilabanan dahil alam nyang hindi na tama ang ipinaglalaban.