1. Tanggapin mo kung ano at kung sino siya, higit lalo ang buong pagkatao niya.
2. Huwag mo siyang pag-aalalahanin, pero ikaw ang laging aalala sa kaniya.
3. Irespeto mo ang kaniyang oras at huwag manghingi ng anumang atensiyon mula sa kaniya, hanggang siya mismo ang magparamdam nito sayo.
4. Kapag alam mong hindi siya okay, hintayin mo hanggang sa maging okay siya.
5. Bigyan mo siya ng space na kung saan malaya siyang gawin ang mga gusto niyang gawin at huwag mo siyang iistorbohin sa oras ng kaniyang katahimikan.
6. Kung napapagod siya, pagpahingahin mo.
7. Lagi mo siyang pasalamatan sa mga simpleng bagay na kaniyang ginagawa.
Ipagmalaki mo siya dahil siya’y magaling; hangaan mo siya dahil siya ay maganda.
8. Iparamdam mo sa kaniya na mahalaga siya.
Hindi lang naman sa iyo, maging sa mga taong mahahalaga din sa kaniya.
9. Huwag mong tipirin ang iyong mga salita para sabihin sa kaniya na hindi mo siya mo siya iiwan at siya’y palaging nasa tabi mo.
10. Mamahalin mo siya ng tahimik. Mahalin mo siya ng malayo. At paulit-ulit mong sabihin sa kaniya na kahit anong mangyari ay mamahalin mo siya ng buong-buo.