#1 Bakit kaya gano’n?
Kahit ibinigay mo na ang lahat
Para sa kanya hindi pa rin sapat
#2 Sobra mo nga’ng minahal
Sobra kang nag effort magpasaya
Ikaw, masaya ka ba?
Lalo na’t nalaman mo may iba na pala siya
#3 Ganoon ba talaga mag mahal?
Yung parang nagmukha ka na talagang tanga
Hindi mo na iniisip sarili mo
Kahit ano nalang ang iyong ginagawa
#4 May effect ba ‘tong mga hugot ko?
Kahit anong gawin mo
Ayaw niya parin sayo
#5 Bakit hindi siya nag eeffort?
Simple lang naman ‘yan
Kung mahal ka, may ginagawang paraan
Para mapakita sa iyo na mahalaga ka
Para mapakita sa iyo na, oo, ikaw na nga
#6 Ipinaglaban mo ang kayo
Ginawa mo ang lahat
Ayaw pa rin niya sa iyo
#7 Magkasama nga kayo
Pero masaya ba kayong dalawa?
Dinededma ka na nga lang niya
Tapos sinasabi mo pa sa sarili mo na mahal ka nga niya?
#8 Akala ko ba wala na?
Bakit ka buntot ng buntot sa kanya?
Bakit panay stalk mo diyan sa FB at Insta?
#9 Mag move on ka na nga
Hindi ka niya mahal
Naiintindihan mo ba?
#10 Siguro hindi nga kayo para sa isa’t isa
Tanggapin mo na nga kasi ‘yan
Wala ka talagang magagawa, hindi ka si Wonderwoman
#11 Iniwan ka na nga
Iiwan mo rin ba sarili mo?
Ipinamukha niya sa’yo na wala kang halaga
Baka sa iyak ng iyak mo diyan mawalan ka pa ng mukha
#12 Ba’t di mo siya maalis sa isip mo?
Mahal mo ba talaga?
O dahil nga lang ba sa matagal na naging kayo?
#13 Sigurado bang mahal mo pa rin siya?
Diba, makapagbigay ka lang ng pagmamahal kapag mahal mo rin sarli mo?
Eh sa ginagawa mo ngayon eh, mahal mo ba sarili mo?
#14 Forgive and forget, sabi nga nila
Nakakapag forgive ka, pero nakaka forget ka ba?
Kayo nga pa ring dalawa
Pero wala na nga ang tiwala sa isa’t isa
#15 Paano mag move on?
Learn to accept na wala ng kayo. Period.
#16 Umaasa ka pa rin talaga ha?
Kitang kita na nga sa picture eh na nagsasama sila
Ang sweet sweet pa nga nila
Ano ba yan. Bulag ka nga.
#17 Nakakapagod noh?
Bakit ka kasi takbo ng takbo
Sa ibang direksyon ka pumupunta eh
Sa direksyong papunta sa ex mo
#18 Ano bang meron sa kanya?
Sinaktan ka na nga eh
Aaahh, ‘yan pala ang type mo noh?
Yung nananakit ng tao
#19 Magpaganda ka naman te.
Bili ka din ng lipstick minsan.
Exercise ka ng marami.
Magpa rebond ka.
Gawin mo yan lahat.
Kahit anong gawin mo, hindi ka pa rin niya mahal. Huwag mo ng ipilit sarili mo noh.
#20 Marunong kaba mag goodbye?
Buti pa siya marunong.
Learn to let go naman minsan.