Kung iniisip mong maeencourage ka sa mababasa mo, next blog na lang unahin mo.
Sa totoo lang wala namang deadline ang pagkakaron ng karelasyon. Pero with all honesty, gusto natin yung may makakausap at makakaintindi satin. Kaso wala! May mga dumarating pero hindi mo gusto. Gusto mo, gusto ka pero complicated. May gusto ka, pero hindi ka gusto. Yan ang 27 years lovelife cycle ko.
Sinubukan kong “magpakatino”. Like, sumasali ako sa Church Org. Kasi yun yung gusto ng Lord eh. Sinusubukan kong gawin ang “Christian way of living”. Malaki ang takot ko sa magulang ko dahil ang thinking nila kapag nagkaboyfriend ka, mabunbuntis ka agad. (Dahil ganun nangyari sa ate ko? Kaya never akong nagpaalam. Lihim na mutual understanding lang.
So ayun nga. I prayed fervently para sa family ko, sa sarili ko, sa church org ko, even sa future husband ko. And the last is still unanswered prayer.
Hindi ko alam kung gano pa katagal ang hihintayin ko. Nung nagstart ako magwork at the age of 21, I never worried about this. Sobrang confident akong may ibibigay si Lord for me. Kaya ginugol ko sarili ko sa Church Activities. Until nung nag 25 ako. Dun ko narealize na anong petsa na pala. Masyado akong nagpabanjing banjing. Nirurush ko na sarili ko. Di ko namalayang napagiiwanan na pala akp ng panahon. Siguro dahil lahat ng kaibigan ko, masaya sa relasyon nila. Hindi ko din naman sila masisi. At gusto ko din namang masaya sila.
I prayed alot. Pero wala pading binibigay si Lord na tamang tao na pang habangbuhay. Masyado ba akong advance magisip? Oo. Kasi dun din naman dapat papunta yun diba? Minsan nga napapatanong na ko kay Lord.
“Lord, bakit sila, hindi naman sila palaging sumusunod sayo pero binigyan mo sila ng karelasyon? Bakit ako? Wala padin hanggang ngayon?”
Oo, umabot ako sa point na nagrant na ko kay Lord.
Meron pa ngang nagsabi, ako nga 30 years old na, single padin. EXACTLY, my point. Ayoko pong umabot ng 30 na single padin. Hindi po ako naeencourage dahil sa age nyo, lalo po akong nadidiscourage.
I’m sorry if this is offending to some people. I’m sorry.