Lumilipas ang oras, tumatakbo ang panahon.

“Ber” months na naman, ngunit nag-iisa ka parin sa buhay mo.

Ano ba ang plano mo? May balak sana ako, ngunit pinangungunahan ako nang takot na baka paasahin mo.

Mabuti siguro na antayin ko na lang, at hayaan ang panahon, na magtakda ng ating pagtatagpo.

“Ber” months nanaman, panahon kung kailan malamig ang simoy ng hangin at ika’y nag-iisa.

Nandito lang ako, nag-aantay at nag-“Be-Ber” na sana’y mapansin mo.