Ako ay nandito sa mundo
Kung saan oras ko’y huminto
Gusto ko pa sana manatili
Ngunit hindi na maaari.
Sa isang iglap ako’y naglaho
Nawala ang masayang tayo
Napalitan ng lungkot ating puso
At ang natirang tanong ay paano.
Paano ang kalimutan ka?
O baka ako’y nalimutan na?
Di mapaliwanag ang nadarama
Batid ko ito’y paalam na.
Tanggap ko na ang aking tadhana
Na balang araw muli tayong magkikita
Kapag ang oras at lugar ay tugma na
Kaya ang paglimot sayo ay nakalimutan na.