Ala- ala Nating Dalawa
Ako’y isang dilag:
Sa paliwanag ng sikat ng araw
Nakaramdam ako ng uhaw
Uhaw sa nakaraan nating dawa
Na hindi ko na mababalikan pa.
Bagong umaga, bagong buhay
Bagong ako at bagong ikaw
Bagong ako na pilit kinakalimutan ka
Bagong ikaw na may iba na.
Mabigat na paghakbang ng aking paa
Kasabay ng pag tulo ng aking luha
Habang naka tingin sa iyong mga mata
Naka ngiti, ngunit hindi na ako ang iyong nakikita.
Masaya kang naglalakad kasabay siya
Habang ako’y patagong umiiyak habang nakikita ka
Nakikita kang hawak mo ang mukha niya
Na noon ay saakin mo lang ginagawa.
Nagpatuloy ako sa palalakad kahit napaka sakit na
Palapit ng palapit sa kinaroroonan ninyong dalawa
Inisip na sana makalampas na sa matinik na daan
Na kinaroroonan ninyong dalawa.
Umihip ang hangin sa aking paligid
Pag lagpas ko sa inyong gilid
Umagos ang mga luha saaking mga mata
Patakbong lumisan palayo sa inyong dalawa.
Saaking pag takbo, may tao akong nabangga
Lalaking matipuno at makikislap ang kanyang mga mata
Napaupo ako sa harapan niya
Ngunit ng abutin ko ang kamay niya may bumuhat saaking iba.
Ako’y isang binata:
Mala anghel mong mga mukha
Diko na makalimutan pa
Hawak-hawak ko ang mukha ng iba
Ngunit ikaw parin ang aking nakikita.
Taas noo kang dumaan sa harapan naming dalawa
Na para bang sayo, ako ay wala na
Sa pagtalikod mo sa amin
Nakaramdam ako ng hangin.
Patakbo kang umalis
Kaya sinundan kita ng mabilis
Nakita mo aking kaibigan
Na may gusto sa iyo noon pa man.
Mabilis kitang nilapitan
Nang muntikan ka na niyang hawakan
Binuhat kita at dinala sa ating tagpuan
Kung saan nabuo ang ating masayang nakaraan.
Umagos ang aking luha
Nang makita ko ang iyong mukha
Dahil sinta ko na miss kita
Sa tatlong buwan di natin pagkikita.
Pinunasan mo ang aking mga mata
Kasabay ng pagyakap at sabing mahal parin kita
Ninamnam ko ang bawat oras na kasama ka
Dahil sa susunod na buwan baka di mo na ako makakasama.
Lumalaban ako para sayo
Ngunit hindi ko naman hawak ang buhay ko
Lilisan ako sa mundong ito
Kasama ang masasayang ala ala na pina baon mo.
Nag paraya ang kaibigan ko
Dahil alam niyang buwan nalang ang itatagal ko
Patawad mahal ko
Kung hindi ko nasabi lahat ng mga ito.
Ika’y mapaka tatag mahal ko
Magsimula ka muli at mag hanap ka ng bago
Bubuo kayo ng mga ala- ala
Na higit pa sa ala- ala nating dalawa.