Bakit? bakit bigla kang nagbago?
Asan na ang mga samahan at dating tayo?
Mauuwi lang ba sa pagkabigo?
at hahayaang lahat ay maglaho?
Ang mga tawanan na walang hanggan
mga masasakit na biruan
at mga nakakahiyang bukingan
ay ilan lang sa ating mga asaran
Relasyong pangmatagalan
walang iwanan
hanggang kamatayan
walang bawian
Kahit kailan, kahit saan
magkakasama sa hiyawan
kantahan at kabiguan
Magkapikunan at magsabunutan man
Away ng isa, away ng lahat
walang titiwalag
ganyan ang aming batas
hanggang sa wakas
Dating masayang pagsasama
at mga ala-alang nilikha
ay unti-unti nang nabubura
at tuluyan na ngan nawala
Asan na?Asan na ang mga salita?
mga pangako ng bawat isa
na pinako na ng iba
tayo na ngalang ang natira
bumuwag ka pa