Sa mga panahong akala ko okay tayo
akala ko masaya ka sa piling ko
akala ko pang-habangbuhay na tayo,
Yun pala pansamantala lang ako.
Sa mga oras na ikaw ang buhay ko,
na ikaw ang mundo ko
na sana lahat ng mga ngiti ko
ay walang hanggan at hindi limitado.
Hanggang dumating tayo sa punto
mga ngiti ay nawala, sugatan ang puso
Bakit? Paano na ‘ikaw at ako’?
Nasaan na ang dating ‘tayo’?
Naubusan ng tanong sa isip ko
Hanggang sa naging malinaw
unti-unti kahit malabo..
Malabong maibalik ang tayo..