Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Tatlong Buwan. Mahal,tatlong Buwan na simula ng ako ay iyong iniwan. Tatlong buwan na halos gabi gabi akong umiiyak dahil hindi ko parin matanggap ang lahat lahat. Sabi mo pa,tanggapin ko na kasi hindi na natin pwede ipilit ang hindi pwede. Pero mahal, bakit ganun? Hindi mo man lang ipinaliwanag saken kung bakit humantong tayo sa ganun. Sabi mo walang iba pero bakit bigla kang nag iba. Sabi mo wag kitang bitawan kahit anong mangyari pero bakit tinatanggal mo ang aking mga kamay sa pagkakahawak sayo. Ilang beses akong lumaban, pero nung nagmaka-awa ka na,na bitiwan na at palayain na kita. Nadurog ako. Masakit. Sobrang sakit,kahit saan ako magpunta na aalala kita. Pero mahal, siguro tama sila, ang totoong nagmamahal hindi nang iiwan. Siguro minamahal mo nga ako pero hindi sapat. Dahil hindi lahat ng sapat ay sapat at hindi lahat ng sobra ay sobra minsan kulang pa. Ngayon,pinipilit kong ibangon ang sarili ko sa pagkakadapa,inaayos ko ang sarili ko hindi na para sayo kundi para sa akin na. Inaayos na ang sarili ko para sa taong totoong magmamahal saken. Sa taong hindi ako iiwanan ,sa taong hindi maghahanap kung ano ang kulang ,kundi sa taong mas nakikita kung ano ang sapat at ako ay sapat. Unti unti,paunti unti makakayanan ko rin. Hindi madali pero siguro tama na. Tama na ang mga gabing nilulunod ko ang sarili ko sa luha, tama na ang mga araw na nagpapanggap akong masaya kahit hindi naman talaga. Tama na ang mga panahong ako ay umasa na sana bumalik ka pa. Tama na ang pagmamahal na nalason ako dahil napasobra na. Tama na ang pagpapakatanga.Tama na. Kung darating ang araw na magbabalik ka,mahal patawad pero sa oras na yun kaya ko na. Kaya ko nang talikuran ka. Kaya ko nang umalis sa harap mo na sa akin ang huling tawa. Kaya ko nang sabihin sayo na hindi na kita mahal. Ako naman ang magsasabi na wala ng ikaw at Ako.Wala nang magiging tayo. Kaya ko na, Kaya ko na ng wala ka. Dahil hindi lahat ng bumabalik ay mahal kang talaga. Dahil kung mahal kang talaga,sa una pa lang hindi na sana umalis pa.