Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Nasasabik ako sa ideyang maaaring mapunta sa isang ‘romantic relationship’ ang kung ano mang mayroon tayo. Ngunit sa kaibuturan ng aking puso, takot akong kilatisin at simulan ito. May pag agam-agam ako sa aking nadarama, pagkat di ko kilala ang sarili ko pagdating sa ganitong aspeto. Hindi naman kasing lakas ng bagyo ang damdamin ko kundi mumunting patak ng ulan na nagpapasaya at nagpapatampisaw sa aking puso. Masaya ako pagkasama kita at masarap tamasin ang katotohanang may puwang ako sayo. Kahit magkaiba tayo, pinilit mo akong inintindi at inunawa. Nagiging totoo ako sa piling mo, dahil kahit gaano man katigas ang gawi o asalĀ  ko alam kong sa mata mo ay babae ako. Isa ka sa importanteng tao sa akin. Iba ang kinang pag nasa paligid ka, dalangin ko sana ay manatili tayong ganito. Takot akong mawala ka, takot akong isipin na maaaring may magbago sa huli kapag pinaigting natin ang namumuong damdamin. Takot ako sa mga posibilidad, kaya manatili tayong magkaibigan sa isa’t isa. Sa ngayon ito ang pinakamainam at nararapat; ang maging kontento sa kasalukuyan.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required