Current Article:

Single. Mag isa. Pero Hindi Malungkot

Single. Mag isa. Pero Hindi Malungkot
Categories Single

Single. Mag isa. Pero Hindi Malungkot

“Singleness is not a sickness” yan yung natutunan ko. Kung baga Blessed Singleness sabi nila.

Oo, Single ako at matagal ng single sampung taon na mula ng first breakup ko sa una naging boyfriend ko. At after wala na ako naging boyfriend. Tapos meron ako minahal after ng walong taon na single mula sa first breakup. Inisip ko nga sana siya na, pero kaibigan lang daw talaga kami at wala ng hihigit pa doon. Sa karanasan ko sa pag-ibig isa lang masasabi ko masarap magmahal pero masakit din, lalo na kung hindi eto naibalik sayo kagaya ng pagmamahal mo. Sabi nga sa kanta nila Piolo at Sarah na Breakup Playlist “Paano ba magmahal palagi ba nasasaktan umiiyak na lang palagi”

Kasama talaga sa pagmamahal ang masaktan. Kapag nagmahal ka dapat handa ka masaktan. Dahil sa isang relationships may mga pagsubok na darating para subukan ang tibay ng pagmamahalan niyo. Pero dapat dalawa kayo lumalaban at hindi isa lang.

At bilang isang single na kagaya ko. Eto lang masasabi ko. May sarili din tayo laban kaya lang mag-isa lang tayo at wala kapareha or special someone. Oo, mag isa, pero hindi malungkot. I mean Single man pero hindi tayo dapat malungkot. Dahil kahit wala tayo someone nandiyan para sa atin. Meron naman tayo pamilya, mga kaibigan na nandiyan din para sa atin. At ang mas higit sa lahat ang pag-ibig ng Panginoon Hesus. Sabi nga sa verse ” I will never leave you nor forsake you.” Hebrews 13:5

Kaya sa mga Single na kagaya ko huwag tayo malungkot, mangamba at magpadala sa pressure ng mundo. May sarili timetable ang Panginoon. ” He has made everything beautiful in its time” Ecclesiastes 3:11

Tiwala lang.