AKALA KO LANG PALA…
Categories Move On

AKALA KO LANG PALA…

Matagal naghintay
Matagal umasa
Ngunit bakit biglang naglaho ka na?
Akala ko ba, meron pa?
Pero bakit parang huli na?

Isip ko’y nalilito
Puso ko’y nagsasabi ng “OO”
Pero bakit ganito?
Panlalamig mo saki’y tinodo
Ano ba talaga ang totoo?

Akala ko ba, ako’y maghihintay?
Pero bakit parang wala ng saysay?
Di mo ba pansin, ako’y nalulumbay?
Kita ko nga, di na’ko parte ng iyong buhay

Akala ko ba, ako’y mahal pa?
Pero bakit ako’y tinalikuran mo na?
Masakit, malungkot, matatamis na ala-ala
Wala na, wala na talaga.

Sana nagsabi ka na may iba ka na pala
Para di sana ako patuloy na umasa pa
Kaya pala, nagkaganyan ka na
Kasi pag-ibig mo sa aki’y wala na

Mahirap mang gawin pero ika’y palalayain
Kasama ng iyong paglaya, ika’y aking patatawarin
Di ko alam kung sadyang marupok o sadyang maintindihin
Sapagkat kahit ganyan ka, ika’y mahal pa rin.

“Paalam sa’yo”, masakit mang sabihin
Ngunit kailangan, kailangan kong gawin
Sana’y masaya ka sa iyong tatahakin
Kahit di na ako ang iyong kapiling.

Maraming akala sa aking isipan,
Akalang ako pa rin ang iyong mahal,
Akala na ang paghihintay ay may patutunguhan
Subalit, hanggang doon na lang pala.

Lahat pala ng ito’y…

Akala ko lang pala.