Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Bakit lagi kang sumasagi sa isip ko , yung tipong nakakabaliw kapag hindi kita nakikita o nakakausap manlang, alam mo ba yung gabing sinabi mong mag kunwari tayo na sana tayo , na kapag kasama kita parang ayoko ng kumawala pa ang saya saya ko lalo na kapag hawak ko yung kamay mo kapag tinitigan kita kapag hindi ka nakatingin, kapag sabay tayong nag lalaro ng mobile games sana wag muna matapos kasi yung mga oras na kasama kita dun lang ako nagiging masaya sayo ko lang naranasan yung ganung pakiramdam na kahit walang tayo pinaramdam mo sakin na mahalaga ako,  kaso napatigil ako at tumingin sa malayo kung tama paba itong ginagawa natin o mali na. Mali na kasi nahuhulog nako sayo ayoko ng mag kunwari kasi minamahal na kita alam kong mali pero bakit ikaw ang gusto ko, alam kong hindi na tama pero kasalanan ba ang mahulog sayo, ang pag kakamali ko lang naman ginawa kong totoo yung kunwari pinaikot ko yung mundo ko sayo ngayon na ayaw muna at nag sawa kana naiwan akong parang tangang umaasa na gigising ka na mahal muna ako.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required