paano nga if may time machine ako?
saang panahon ko gugustuhing bumalik?

sa panahon ba kung saan malaya ka?
sa panahon na pwedeng maging ikaw at ako?

pero kung ibabalik ko man sa panahon na iyon,
mahahanap ba kita?
magkakagustuhan kaya tayo sa panahon na yon?

malabo din ang mga kasagutan…
dahil kahit may time machine pa,
kung hindi pa panahon para tayo’y magkakilala,
wala din.

sadyang hindi sa atin ang pagkakataon.