Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

sa sulat

sa tula

doon ko na lang sasabihin
ang lahat ng nararamdaman
ang lahat ng naisin
gusto kita
pero hindi ko kayang sabihin sayo
paano ba?
kailangan pa ba?
kung sa simula palang ng laban
alam kong talo ako

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


marami ka ng nasabi
na talaga namang ako’y kinilig
hindi mo alam diba
dahil hindi naman ako umamin
oo tinanong mo ako
pero hindi ako sumagot ng totoo
hindi dahil ayaw kong malaman mo
kundi dahil ayaw kong mas lumalim
ang nararamdaman natin sa isa’t isa
hindi na kailangan malaman mo pa
dahil wala rin naman patutunguhan
ang sa simula palang
mali na ang lahat.

okay nang malaman ko
na gusto mo din ako
na gusto mong magkatuluyan tayo
pero
mali ang pagkakataon
hindi para sa atin ang panahon
kalaban natin ang mundo
masyadong komplikado

okay nang mahal kita
kahit hindi mo alam
alam kong ramdam mo rin naman
pero siguro nga
hanggang dito na lang.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required