Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ballpen at papel ang karamay
Sa aking silid na tila may lamay
Ulan at kidlat ay pilit sumabay
Sa damdaming nais mag-ingay

Nalito’t napaisip ano ba talaga
Tunay ba na sa’yo ako’y may halaga
Mga pangyayari ay pilit inalala
Kung totoo ba ang aking mga akala

Taon ang lumipas bago namulat
Sa mga kuro-kurong aking naisulat
Ang pagtingin na may pag-aalinlangan
Ay matagal na pa lang nabalingan

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Makalipas ang anim na taon
Umayon sa akin ang panahon
Ngayon, handa na akong tumalon
Sa dagat na punong-puno ng alon

Send me the best BW Tampal!

* indicates required