Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Hello! Oo tama NBSB ako pero always broken. Paano nangyari? Well, I just want to describe myself first then tell me if you will believe in me. 21 years old. College graduate (Accounting Technology) at PLV. Maganda sabi nila pero cute lang talaga feeling ko haha. 5’3 height, chubby but sexy hmmm sabi din nila. Hindi maputi hindi maitim sakto lang. I have boobs. Definitely a boobs Hahaha sorry nasa lahi eh. But most importantly i have the heart, sense of humor, caring, understanding and loyal. But anyways yes still NBSB, Agree or Dis agree?

 

How to start that I’ve been broken so many times but still NBSB. Alam nyo yung tipong you’re always waiting for the right one to come. Yung sinasabi nating the one. Antagal antagal kong nag antay non pero wala eh.  Days, weeks, months, and years passed. Wala padin. So i decided to install a dating apps ang boring kaya yung tipong nauubos yung Gosurf 50 ko sa kaka scroll lang ng fb ko. Puro gc, puro 8888, 4438, TM rewards laman ng inbox ko. Yes po TM USER AKO HAHAHA. Ayun na nga mejo nalibang ako sa Tinder puro mukha eh. Sarap sa eyes. Parang gallery pero daming pervert kaya in-uninstalled ko ulit. Wasting time din walang matino eh. Saka yung tipong na fall kana sa kausap mo then suddenly bigla ka nalang naging utot ayun mejo emote pero dedma. Bangon lang ulit.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


 

Then may isang segment sa tv na ang topic is waiting for the right one or you need to find a way to see the right one. So ako naman etong si hopeless romantic ayun installed again. Boring nanaman eh saka feeling ko that time ayun na yung sign. Hahaha And yes nakilala ko si ML yung bida sa mobile legends hahaha (That game reminds me of him)  One month passed bago ko nagreply sa message nya sakin sa tinder. Hanggang sa nagbigayan ng fb accounts, messenger andon na kami nagkausap. Non stop talks yung na feel ko nanaman yung matulog ng gabi magpuyat, mag cracks ng serious talks, mag joke mang alaska magpakilig at kiligin. Sarap sa feeling sobra hanggang sa unti unti na kaming nahulog sa isa’t isa. Nagkaroon ng palitan ng i miss you’s, i love you’s. Miski endearment meron. Ika ang buri ko hanggang sa naging dadi at mami. Hahaha ang cute lang. (Teary eyes) Nakakakilig para sa isang NBSB. Ramdam ko yung pagiging loyal nya mabuting tao, down to earth, sweet, caring, hindi mayabang (which i really want to a guy), i like his voice i like his personality. Yung tipong kulang nalang talaga magkita kami label nalang kulang then almost perfect na. I always thank to God kasi yung pinag pepray ko binigay na nya. Yung antagal kong hinintay to nasabi ko din sa sarili ko na eto na sya na talaga even though there’s no 101% assurance na totoo lahat kasi nga dipa kami nagkikita diba.

 

But time goes by kung gaano kabilis nagsimula ganon din katulin nawala. He’s getting cold. Yung dating 1-2mins reply. Yung dating always updated. Yung dating may goodnights and ilove you’s biglang unti unting nawala. But still i keep to understand. Messenger lang daw yun iba pa din sa personal. Inintindi ko yun. Hanggang one day bigla nalang di nag seen. One night passed never nyang sineen message ko then in the morning i left 2-3 messages but as expected he never open it or give an explaination, or an acceptable reason paranormal gantuhin nya ko. Ang sakit lang sobrang sakit. Bumalik lahat ng panahon na may isang lalaki nanaman na hindi pinahalagahan yung love and trust na binigay ko.  Someone left me hanging, Again. Yung akala ko nung una na lahat ng sinasabi nya ay totoo akala ko lang pala. Yung akala ko na mahal nya ko ay akala ko lang pala. Yung akala ko na kung nalang yung pagkikita at label para sa perfect couple ay akala ko lang pala. Akala ko ikaw ng binigay. Akala ko ikaw na. Akala ko ikaw na aaaah (by Marion Aunor)

Paano ba mag move on,  Paano ba mag move on kahit hindi naging kayo?

Pero mas paano ba mag move on pag hindi na nga naging kayo hindi pa kayo nagkita?

 

PPS: I wrote this because i don’t know where should i tell all of this shit. Kung alam nyo lang kung gaano kahirap mag tago ng feelings. Yung haharap ako sa lahat ng parang hindi na bobroken hearted kasi nga NBSB but deeply inside sobrang sakit walang mapagsabihan.

 

PPPS: Mahal kita kung ano pa man yung rason mo alam kong maiintindihan ko. Sana pag pede na pede pa. 😢 Ika padin ang buri ko. ❤

 

-NBSBBAB 31219

Send me the best BW Tampal!

* indicates required