Buwan

49


Hindi man ito ang pinakamabuti
ikaw pa rin ang pinakamagandang kwentong
isinalaysay ko sa buwan
Gabi gabi kitang ikinikwento sa kanya
kaya hindi nakakapagtaka kung kilala ka nya

Pati mga bituin kinikilig sa kwento nating dalawa
alam nila kung gaano ka kahalaga
Ibinilin ko nga pala sa kanila na sa twing gagabihin ka ng uwi ay ilawan ka nila

Nakiusap din ako sa buwan na kung sakaling lalabas ka at masilayan ka nya
Bigyan ka nya ng matamis na ngiti
Nagbabakasakaling sa ganoong paraan mabawasan ang bigat na iyong dinadala

Muli, ikaw ang pinakamasaya at pinakamagandang kwentong isinalaysay ko sa buwan
Ikaw ang aking buwan
kasing bilis man maglaho pag sapit ng umaga
palagi pa rin kitang maaalala.