Matamis nga pero malamig

Matamig talaga pag sa simula lahat lahat ay umaayon sa iyong kagustuhan,

Matamis talaga lalo na pag siya ang iyong kasama, sa saya, sa gala at mangarap ng kayong dalawa lang

Matamis talaga pag nabubuo ang sarili mo kapag kasama mo siya

Matamis lahat ng alaala na inyong ginawa

Matamis ang alaala na iyong binabalikan pero malamig na pakiramdam ang iiwanan sayo lalo’t isa lang ang lumalaban.

Matamis na pangarap ang ginawa niyong dalawa pero malamig na kinabukasan ang gigising sayo na ikaw na lang ang magpapatuloy mag-isa

 

Matamis na pangako ang bumuhay sa iyong nawasak na sarili pero malamig na katotohanan na kahit bali baliktarin mo ang mundo, hindi ikaw ang kanyang pipiliin.

Alam kong masakit na hawak mo ang matamis pangarap pero pag natunaw at naubos na, wala ka ng ibang pwedeng gawin kundi bitawan at itapon kung ano man ang natira.

Malamig ang mundo mo ngayon pero wag kang mag alala, kumapit ka muna sa Kanya, lagi mong tatandaan pagtapos ng taglamig merong tag-araw

 

Budoy ni bebang.