Ikaw ang lumapit.
Nananahimik ako.
Naging “consistent” ka,
Nung una nga lang
May pa-good morning at good night ka pa.
Minsan pa, “Kumain ka na ba?”

Dumating ang oras na tinanong na kita,
“Ano ba itong ginagawa natin?”
“Ano bang intention mo talaga”
“Baka yung nararamdaman ko maiba na.”
Sagot mo, “Crush kita pero mas maganda na friends muna tayo.”
Sabi mo pa, “Baka kasi magkasakitan lang tayo”

Kahit alam ko na ang sunod na mangyayari,
Kahit pakiramdam ko mawawala ka na ng paunti unti,
Inisip ko baka iba ka sa kanila,
Inisip ko baka ako ang may problema.
Pwede naman tayo maging friends.

Pero tama ang hinala ko.
Unti unti ka nang nawala.

May iba ka ng mga kausap
May iba ka ng mga pinapaasa
May iba ka ng pinaglalaruan ang damdamin.
May iba ka ng pinakikilig.

Pero ako, naiwanan ng mga ala ala na akala ko noon ay maguumpisa na.
Mga ala ala mo na hanggang ngayon pinagbabayaran ko pa.