“Diyan ka muna, dito lang ako.”
Mga katagang nasa isip ko noong gabing huling nagkausap tayo.
Pinili kong dumito, sapagkat sa kalagayan ko’y dapat akong lumayo sa’yo.
At magtago sa mundo, kung saan kinakain na ko.
Tapat kang lingkod ng Diyos,
na akala ko ay kaya kong pantayan ng lubos.
Pero pagdating ng panahon, unti-unti akong naubos.
Ikaw yung malakas, ikaw yung matapang.
Tunay ngang napakadakila nang ika’y nilalang.
Naduwag, natakot, at ako itong nabahag.
Bakit ba kasi napakaperpekto mong dilag?
”Diyan ka muna, dito lang ako”
Hanggang sa muli nating pagkikita na malakas at matapang na ako.