Akala
Categories Poetry

Akala

  • Nung mga oras na sinabi kong tama na, ayoko na
    Akala ko kaya ko na
    Akala ko kinaya ko na
    Kasi nasabi ko na eh
    Pero bakit ganto?
    May sakit pa din pala
    Sobrang sakit pala
  • Sabi ko sa sarili ko
    Para din naman sakin toh eh
    Para sa susunod na taong mamahalin ako
    Mamahalin ko
    Para sa future ko
    Pero bakit ganon?
    Ikaw pa din inaalala ko
    “Pano sya?”
    “Masaya ba sya?”
    “Masaya na ba talaga sya?”
    “Di nya na ba ako kailangan?”
    “Wala na ba talaga?”
  • Nung tinapos ko sabi ko di ako lilingon
    Di ako magiging marupok
    Pero grabe maglaro ang tadhana
    Lahat ng dadaanan ko naaalala kita
    Kwarto ko
    Sa sakayan ng tricycle
    Sa labas ng opisina
    Pati pagsisipilyo!
  • Tandang tanda ko pa rin ang lahat
    Tanda ko pa kung pano moko niyakap
    Kung pano mo sabihin ang pangalan ko
    Kung pano tayo magaway
    Kung pano din tayo magbati
    Kung pano mo halikan amg noo ko bago ako umuwi
    Tandang tanda ko pa
    Tandang tanda ko rin kung pano ka nanlamig
    Kung pano ka unti unting nagbago
    Kung pano ako unti unting napalitan sa buhay mo
  • Dati nakakaya mong kausapin ako kahit may ginagawa ka
    Chat man or text, ikaw ang nagkukusa
    Dati hinahanap mo pako
    Tinatanong kung kumain nako
    Dati nagagawa mong humingi ng lambing sakin
    Na para bang batang nagpa-puppy eyes mabigyan lang ng candy.
    Dati ganun ka
    Pero ngayon, hindi na
  • Sobra mong pinaramdam sakin na mahal mo ako
    Kahit hirap kang sabihin sakin toh
    Kasi sabi mo di ka pa handa.
    Masyado pang maaga.
    Pero binaliwala ko yon
    kasi sabi ko mahal naman kita
    Sapat na yon sa ngayon.
    Kinaya ko ng dalawang taon.
    Pero tao lang din naman ako.
    Napapagod.
  • Ilang beses na natin sinubukang tapusin
    Ilang beses din nating binalik.
    Ilang beses nating sinaktan ang isa’t isa
    gamit ang mga masasakit na salita.
    Ilang beses na din kitang blinock and in-unblock.
    Ilang beses mong pinaramdam sakin na wala na
    Pero ilang beses mo din sinabing miss mo nako, kaya pa.
  • Nakakainis
    Kasi sa lahat ng dulo na naabot natin
    Wala kang ibang bukang bibig kundi
    “malay mo tayo rin sa huli”
    Sobrang sakit para sakin non
    Kasi kung tayo nga, bat sa huli?
    Bat di nalang ngayon?
  • Oo. Alam ko.
    Kasalanan ko kung bakit ako napagod
    Kung bakit ako nadurog
    Alam ko yon
    Di ko naman sinisisi sayo
    Lahat yon ay kusa kong ginawa
    Kasi wala naman akong ibang hinangad
    kundi ang mapadamang mahal kita at sana, balang araw
    matutunan mo rin na ako ay mahalin
    Kaso nalalabuan nako
    Kasi pagod na rin yung pusong nagsabing kaya nya
    Akala nya kaya pa
    Akala nya sapat na
    Akala nya may pagasa pa
    Ganun naman kasi sa pagmamahal diba?
    Bigay lang ng bigay. Wag na magsukatan.
  • Pero mali ako
    Natutunan ko yon sa napakahirap na paraan
    Kinailangan na mapiga ako
    Para lang matauhan na wala talagang tayo
  • Naisip ko, kailangan ko nang umusad, tumayo
    Kasi kung hindi, pano nako?
    Nakakaawa noh?
    Nakakaawa yung taong sumulat nito.
    Pero lilipas din toh
    Lilipas din ang mga akala ko.