sa kabila ng aking katahimikan
hanapin mo ako

sa simula
ng mga tulang hindi mailathala

sa kabila ng aking pag-aalinlangan
hintayin mo ako

sa dulo
ng mga masasakit na salita

sa kabila ng aking pagkukulang
alalahanin mo ako

sa pagitan
ng mga awiting nakakubli sa bawat alaala

sa kabila ng lahat…

tahimik akong nagsusulat ng mga liham at tula

nag-aalinlangan na mauna
at baka sa muli ay masaktan lang kita

batid ko na ako’y nagkulang, di napapaalala
kung gaano ka kahalaga

ngunit…

sa kabila ng lahat, minamahal kita…

sa simula…
sa dulo…
at sa pagitan…

ng mga katagang,

“di ko na kaya”