Current Article:

Akala ko kanta lang yun, totoo na pala…

Categories Relationships

Akala ko kanta lang yun, totoo na pala…

We sing to let our hearts, pero sinong mag-aakala na magkakatotoo ang mga kantang inawit mo.

Naaalala ko yung gabing kumanta ako sa KTV. Akala ko trip ko lang yung line up ng mga kanta, sabay kontra sa bawat lyrics na masasakit. Halika’t makiusisa saking playlist.

Kathang Isip — unang kanta na aking inawit. Sa sobrang tama ng puso ko sayo, kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko hanggang sa napagtanto ko na baka ako lang talaga ang nag aasam na maging tayo. Tagal mo eh. Parang ‘kung gaano kabilis magsimula, ganun katulin nawala’. Isang bula, isinuko mo agad ‘tayo’. Sana di yun nangyari, tayo pa sana. Kahit wala naman talagang tayo.

Sinundan ng Mundo na may mga katagang ‘kung lumisan ka, wag naman sana’ . Hindi ko kasi kakayanin kung mangyayari ito, pagkatapos ng lahat ng ating mga pinangarap lalo na noong mga bata pa tayo kung mapupunta lang sa wala.

Tas ayon, may pa Say You Won’t Let Go pa ako, umaasa na sana kahit anong mangyari ‘di ka bibitaw. Pero bumitaw ka pa rin. Nakakalungkot kasi nga Minsan Lang Kita Iibigin, kaya noong dumating ka, ayaw ko pa nun. Pero baka wala ng next time, kaya I tried my best ibigin ka, napasobra nga lang. Wasak tuloy!

It Ends Tonight huling kanta na aking inawit. Alaala ko yung gabing sinabi mong ‘Ayaw ko na. Hanggang dito na lang tayo. Sorry.’ At gumuho ang mundo ko. Tinapos mo talaga sa gabing yon. Masyado mong pinanindigan ang mga kanta ko.

Tanging nasagot ko lang sa sinabi mo Oks Lang. Nag-sorry ka ulit, ‘yon pa din ang sagot ko hanggang sa napa-English ako ‘I understand’ hanggang nahawa ako sayo, ‘Sorry’. Biak-Na-Puso.

Di pa natatapos doon, dahil sa kalagitnaan ng mga kinanta ko. Magkakatotoo din pala ang kantang Kahit Kunwari. Umaasa na ‘Ibigin lang sana, kahit kunwari’ nalang.

Diba pareho pa nga tayo naghihintay sa Heaven na permiso ni Papa. Nasa kalagitnaan pa nga lang tayo, naudlot na. Dahil lang sa isang pangyayari, na biktima lang tayo.

Ngayon, tatapusin ko na ang mga awit na ‘yon ng mga payo ng aking mga magulang. Baka pagsubok lang ‘to na kailangan natin lagpasan. Susukatin kung totoo ba talaga ‘tong nararamdaman natin. Kung kaya ba natin ipaglaban ang isa’t-isa.

Napakasakit kasi di pa tayo nagsisimula, tapos na. Kung tayo, tayo. Sana tayo nalang talaga.

Akala ko talaga kanta lang ang mga ‘yon, may nakaabang na pala.