Ako

AKO

Ako na kailanman hindi inuna
Ako na kailanman hindi naging siya.
Ako na gusto ng sumuko
Ako na nahihirapan na
Ako na gustong bumitaw na
Ako na ayaw ng imulat ang aking mga mata
Ako, ako na pagod na at gusto ng magpahinga.
Ako na lumalaban pa kahit tapos na.
Ako na nagpapakatatag kahit ubos na.
Ako na na gusto ng umalis at wag ng lumingon pa.
Ako na mas inuuna ang iba, kaysa sa pansarili kong problema.
Ako na handang ibigay ang oras, kahit ito’y kakaunti na.
Ako na durog na durog na, at pakiramdam ko’y pasuko na
Ako na gusto na lang matulog at huwag ng magising pa.
Ako na kailanman ay hindi naging mahalaga.

PAGOD, nakakapagod, pagod na pagod at NAPAGOD na.

Gusto kong alamin kung paano maging ikaw?
Gusto kong maramdaman kung paano naman ang maging mahalaga.

Gusto kong ako naman ang inaalala, KAMUSTA lang sakin ay SAPAT NA.

Gusto kong maging mahalaga. Ayokong maging kaawa-awa.

Gusto kong kayanin ang lahat para sa ibang tao’y ako naman ay maging mahalaga.

MALI, ito ay mali dahil ang maging mahalaga ay Kaniya ng naiparamdam sayo diba?

Nakalimutan mo nabang ikaw ay mahalaga? Teka nasaan kana ba? Nasaa na ba ang ANAK NG DIYOS na minamahal Niya? Nandiyan kapa ba? Ika’y tinatawag Niya.

Hindi mo kailangang harapin tong mag isa, iha.
Labanan ang tukso ng kaaway na walang ibang gusto kundi ang mawala ka.

Mawala, MAWALA sa presensya ng dakilang lumikha ito ang gusto niya diba.

HUWAG! Huwag mong hayaang lamunin ka ng kaaway.
LUMABAN! Labanan at IPAGLABAN ang pagmamahal ng Diyos na kailanma’y hindi ka pinagkaitan.

LUMAPIT yan ang Kaniyang nais.

SUMUKO, Sumuko hindi sa problema, sumuko dahil kailangan mo Siya.

UMIYAK, sige iiyak mo yan ng sa umaga’y okay kana.

Written by: Kimberly Japone 8-21-18 (9:04pm)

Exit mobile version