Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Noong makilala kita Akala ko hanggang magiging dulo na tayo at ndi na matatapos, ikaw at ako pag Tanda!!

sa una masaya ang ating naging similar pero ndi tumagal puro pagsisi naramdaman mo kaya unti unti nawala ung pagmamahal mo parang pagsisi na nakilala mo pa ako. May mga alaala tayo Masaya pero sakin lang pala yun kasi sayo ito’y pagkakasala ung mga ngiti mo noon na nagbibigay sakin ng ngiti , Ngayon ay nagbibigay sakin ng sakit marami akong Nagawang pagkakamali at may mga bagay na nagawa na dapat ndi.

pinagsisisihan ko yun ngayon at gusto ko na kalimutan. Noong una kang nawala parang may namatay sakin, sobra akong nalungkot ndi lang gabi-gabi ang mata ko ay lumuluha.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


pati sarili ko unti unti nawawasak, Kaya nung akala ko nung okay na. Sinubukan maging masaya pero ndi nawawalan ng pag-asa na balang araw na ang ikaw at ako ay posibleng maging Tayo!kaya nung nagkaroon ulit ng pagkakataon na subukan ulit ay ndi pinalampas. Malayo man ako pinaramdam sayo na Mahal kita, pero ndi ko lang inaasahan na sasabihin mo na “tumigil ka na! Kasi yung dating taong mahal mo ay Wala na. “

At noong naging part ako ng buhay mo ay ndi Mahalaga. Kasi puro pagsisisi lang naramdaman mo.

Sa pangalawang pagkakataon namatay ulit ako dahil Sayo. Ngayon ndi alam kung paano babangon dun sa pakiramdam na isa lng akong masamang alaala sayo.

Walang magandang naidulot sayo simula nung araw na sinabi mo yun ay araw araw ako  nasasaktan pag naaalala at iniisip kahit isa ba talaga wala???

mayroon naman Tayong alaala na naging Masaya kaso sayo Ito ay ndi mahalaga. Minahal mo ba ako talaga o isa ka lang panaginip??

dapat ko nalang tanggapin na Tapos na talaga at wala na Hanggang dito nalang ang Ikaw at Ako na Walang naging Tayo sa Mundo mo.

Nasasakatan ako Sobra hanggang ngayon Masakit pa rin…,

Send me the best BW Tampal!

* indicates required