Marahil nag tataka kung bakit hindi nako ganun ka excite sayo , na wala na yung gana, yung saya, yung ako, yung sarili ko na naubos na, dahil sa pagasang pwedeng maging tayo. Kailangan kong lumayo, kailangan kitang palayain, hayaan muna kong umalis kasi ito yung tama ito yung mas makakabuti sating dalawa. ayoko ng lokohin yung sarili ko. kasi ang sakit sakit na, nasasaktan nako kahit wala akong karapatan.
Salamat dahil kahit paano pinaramdam mo sakin ang maging isang babae, kahit hindi naman totoo iyong mga bagay na pinakita mo at isang kathang isip lamang na binuo ko mag isa naging masaya ako . Oo minahal kita at hindi ko yun pinagsisihan pero kahit masakit sakin kailangan kita papalayain at kailangan ko ding palayain ang sarili ko, na naging bilanggo ng pag mamahal ko sayo.
Ngayon gigising na ako mula sa kathang isip. Na ako ay hindi para sayo at ikaw ay hindi para sa akin tayong dalawa ay pinagtagpo ngunit hindi itinadhana. Magiging masaya ako sa desisyon kong ito dahil alam kong mas tama ang pipiliin kong landas, ayokong makihati sa pag mamahal na sa umpisa palang ay hindi ko pag mamay-ari. Pinapalaya na kita at hindi na muling lilngon pa.