Ang Hirap Mong Mahalin

Ang hirap mong mahalin. Alam mo kung bakit? Kasi, ang hirap mong abutin. Pinipilit kong abutin ka pero kusa kang lumalayo. Buti pa ang mga tala kasi abot tanaw ko.

Ang hirap mong mahalin. Alam mo kung bakit? Kasi, wala kang balak na ako’y intindihin. Di ko maintindihan kung bakit ganito?
Iba ang sinasabi, sa pinapadama mo.
Manhid ka ba o manhid ako?
Na kahit anong pilit ko, parang ako’y wala lang sa’yo.

Ang hirap mong mahalin. Alam mo kung bakit? Kasi, nakakapagod kang mahalin.
Ika’y pilit umiiwas at kumakawala.
At palaging ako sa’yo ay balewala.
Baka nakakalimutan mong tao ako at napapagod din.

Ano ba ang gusto mo?
Sabihin mo lang at gagawin ko.
Ang katulad ko ba’y mahirap mahalin?
Na palagi na lang, di mo pinapansin.
Di naman ako manhid, ako’y may isip din.
Magsabi ka lang, palalayain kita ngayon din.

Kung dumating man ang araw na ikaw ay bumalik, sana sa pagbalik mo’y meron pang “ako” na nasasabik.
Baka kasi kung kelan ka na handa,
Ako ay tuluyan ng nawala.

Exit mobile version