Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Isang silip sa mga ideya at panahong nais mong hilingin na sana…

Sana nga’y totoo.

Sana nga’y may tayo.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Ikaw at ako.

Sa sarili nating mundo.

Isang silip sa mga ikinukubling damdamin,

pasulyap-sulyap na tingin,

at mga ngiting pilit inililihim

Paano kung mas naging matapang,

at sa kanya’y inamin ang nararamdaman?

May pag-asa ba sa kanya?

O ako kaya’y mahal pa ba?

Paano kung hindi natakot

at ang pag-ibig mong abot-kamay ay tinanggap nang lugod?

At isang silip, sa mga panahong ninais maging makasarili,

inaming wala na ang pag-ibig na dati sa’ki’y nagpakilig.

Na ang minsang kaligayahang sa kanya nadama,

ngayo’y hinahanap-hanap na sa iba.

Pasilip sa kung sana’y naging tapat.

Sana’y naging matapang at galit nila’y hinarap.

Paano nga kaya kung mas pinili kita?

Mas pinili kong saktan siya para ikaw ang makasama?

Makakaya ko kaya?

Ikaw at Ako.

Mas masaya kaya tayo?

Send me the best BW Tampal!

* indicates required