Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Naranasan mo na bang makaramdam na meron kang gustong tapusin kahit ito’y hindi pa nasimulan?
Yung tipong alam mong sadyang walang patutunguhan ang kwento kaya ito’y dapat iyong wakasan?

Ngunit biglang mapapaisip ka.
Paano kung hindi mo mabigyan ng pag-asa ang isang kwentong pwede palang umusbong.
Yung pwede palang magbigay ng saya sa puso mong puno ng tanong.

Sapat kaya na ika’y sumugal sa walang kasiguraduhan?
Kakayanin mo ba ang mararanasang kirot at sakit kapag ito’y hindi winakasan?
Ito’y ipagpapalit mo ba sa pag-asang sumaya dahil sa takot na nararamdaman?

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Mapapaisip ka.
Maiisip mo na ang kwento ng pag-ibig ng bawat isa ay iba-iba.
Ngunit iba-iba man, isa lang ang tiyak ka.
Sa mundo ng pag-ibig, walang hindi tumataya.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required