Kasabay ng aking pag-alala sa nalalapit na pagdiriwang ng pagsilang ng ating Ama,
Aking inaamin na ikaw ay akin na ngang lilimutin,
At ang sarili ko ay papalayain mula sa paghanga na aking inilihim ng halos ilang taon din
Salamat sa pagiging inspirasyon sa akin ng ganon katagal, na nakatulong din sa aking pag-aaral, siyang tunay.
Sa mga mumunting pag-uusap, maiksi pero may kilig. Salamat.
Sa aking paglimot ay idadalangin ko pa rin, ang iyong kasiyahan kasama ang iyong kasintahan.

Maligayang Pasko! Ang huling bati ko sa’yo.