Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
T U W I N G U M A G A
pagpatak ng alas sais
While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:
Lagi kita namimiss tuwing alas sais ng umaga.
Ito ang oras kung kailan mumulat ang mga mata;
Magigising ang diwa;
Sasakupin ng araw ang dilim;
Liliwanag ang paningin;
Damdamin ay dalisay.
Ito ang oras ng bukang-liwayway.
Lagi kita namimiss tuwing alas sais ng umaga.
Babangon.
Mag-aayos ng kama.
Maghihilamos.
Lalabas ng kwarto.
Sana ay nandito ka sa tabi ko.
Lagi kita namimiss tuwing alas sais ng umaga.
Ipagtitimpla kita ng kape
Bago sumapit ang alas syete.
Ipagluluto kita ng almusal,
Paborito mo ang sinangag, ‘di ba mahal?
Lagi kita namimiss tuwing alas sais ng umaga.
Hindi ko mawari ang nararamdaman.
Paggising ko, nais kong ika’y mahagkan.
Kulang ang aking umaga
Ako ay nangungulila.
Lagi kita namimiss tuwing alas sais ng umaga.
Alam kong panahon ay darating
Na ikaw ay magiging akin.
Konting tiis lang aking mahal,
Tayo’y mag-iisang dibdib, kaharap ang Maykapal.
Lagi kita namimiss tuwing alas sais ng umaga.
Balang araw, tayo rin ay magsasama.
Magkahawak ang kamay,
At hinding hindi maghihiwalay.
Mahal ko, magiging sa atin ang umaga.