Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sino nga naman ba ang mag-aakala
na ikaw na noon na naglalagay ng ngiti
dito sa aking mailap na labi
ay muling magbabalik ng kilig na hindi na mawari.
noon, nababasa ko lang mga banat mo sa social media
malaman-laman ko, ako pala ay iyong napapansin na
Ito kasing common friend natin, napakadaldal din
Ayan tuloy, ako ay napaamin!
Tapos sabi niya, “ako ay may sasabihin
matagal na nya na ikaw ay napapansin!
alam nga nya ang iyong pangalan,
sabi nya parang noon ay may napag-usapan”
Boom! eto namang puso kong pasaway
Na inakala kong matagal nang namatay
Teka, bakit kinakabahan ako?
At napapangiti, huh ewan ko!
Pero nais ko lang sabihin, alam kong wrong timing
Kasi naman, di ka na pwedeng maging akin
Salamat ha, ako ay pinapasaya mo pa rin
kahit na hindi naman malinaw kung ano ang meron satin
wag kang mag-alala, di naman ako umaasa
na darating ang panahon na magiging tayong dalawa
tama na siguro ang ganto, gagawin kitang inspirasyon
para maniwala na kaya ko pa pala ulit umibig sa takdang panahon
di man dumating ang pagkakataon na mabasa mo ang bawat titik na nasulat ng aking pluma
di naman mawawala ang naidulot mong saya
Alam kong masaya ka na kaya naman ako ay wrong timing
habang wala pa si Mr. Right, ikaw muna ang aking iibigin.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required