Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Balang araw
Magtatagpo din tayo,
Magkakasalubong ang mga mata
At ngingiti sa isat isa

Balang araw
Magtatapo din tayo
Maguusap at magsasabihing ‘Oh, kamusta ka?’
At sasagot ng, ‘ayos, eto ok na!’

Balang araw
Pagtatagpuin ulit tayo ng kapalaran
Wala na ang ilangan,
Wala na ang sakit na nararamdaman,
Wala ng pait sa mga salitang bibitawan.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Balang araw…
Panahon na ang mgdidikta,
Tadhana na ang mgsasabing ‘pede ba pa?’
Magkakasalubong ang ating mga mata,
Maguusap ng walang ilangan,
wala ng pait sa mga salitang bibitawan…

Sa tamang oras…
Magtatagpo rin tayo…
Wala ng emosyon, wala ng mga tanong,
Wala ng ala-ala ng nakaraan,
Wala na ang kirot sa puso.

Balang araw.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required