Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

“Hindi pa nag-uumpisa, Tinapos mo na.”

Simula pa lang, alam mong BUMITAW ako sa isang relasyon,
dahil sa PAGSUKO sa walang patutunguhang pagsasama.
Simula pa lang, alam mong MASAKIT ang dinanas ko.
Simula pa lang, sinabi ko na sayo na wag ako.
pero nagpatuloy ka.
Simula pa lang nilinaw mo na ang intensyon mo.
“COURTING.”
“FUTURE WITH ME.”

Pinagbuksan kita.
Pumasok ka sa buhay ko. Sinanay mo kong nandyan ka.
Binigay at sinabi mo ang mga bagay na gusto ko sa isang relasyon. Mga bagay na hinahangad ko sa dati kong minahal.
You even planned about us in next 3yrs.
Naniwala akong “AKO” na ang nakikita mo sa future.
I started to expect something. I started to looked forward.

At isang pagkakamali yun.
Dahil BUMITAW ka na.
Hindi pa kita natatawag na talagang akin, umalis ka na.
Hindi ko pa nasasabi ang salitang “OO”, sinagot mo na ko ng “SORRY”.
Nagsabi ka pa na,
“Baka naman iwan mo lang ako.”
“Kahit ganito lang ako, AKO nalang.”
“Sana IKAW na talaga, Ayoko na mag SIMULA ulit.
Pero bakit ako ang NAIWAN sa ere?
Ang ilang buwan PANTASYA,
natapos lang ng ilang ORAS.

Masakit dahil malayo na ang narating ng ating PLANO.
Pero hindi pa nagsisimula, TINAPOS mo na.

Tinapos mo nalang bigla.